Isinagawa ng BDO Network Bank (BDONB) ang kanilang Go Negosyo talk show na pinamagatang ““Kayang-kaya Kabayan” nitong Biyernes, June 4. Layunin ng talk show na magbahagi ng financial management tips at valuable insights pagdating sa mga sustainable at adaptable business opportunities hindi lamang para sa mga local Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs), kundi pati na rin sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga beneficiaries.
Pinangunahan ni SME Advocate Josie Conlu ang talakayan tungkol iba’t-ibang financial challenges na kinakaharap ng ating mga OFWs abroad. Nagbahagi rin siya ng mga opportunities na maari nilang subukan pagkatapos nitong pandemya.
Naroon din si Randell Tiongson, isang registered financial planner and advocate ng Life & Personal Finance, na nagbahagi ng preparedness at adaptability tips kung paano ba i-manage ang income at kung papaano mag-impok para sa emergency funds. Kabilang dito ang pag-shift sa mga essential business, paggamit ng online platforms, at pagdagdag ng stocks.
Napag-usapan din ang importansya ng MSMEs sa pagpapalago ng lokal at nasiyonal na ekonomiya.
“Ang pag-unlad ng Pilipinas ay nakasalalay sa pagsulong ng mga MSMEs. Sa paglago ng mga MSMEs, gaganda ang kinabukasan nila at ng kanilang pamilya. Dahil dito, tinatawag na “growth engine” ng ekonomiya ang mga MSMEs,” ani BDONB Senior Vice President and MSME Group Head Karen Cua.
Dagdag pa niya, ang mga MSMEs ay ang nagpapatakbo ng ekonomiya ng ating mga komunidad dahil nakapagbibigay ito ng trabaho, mga produkto, at mga serbisyong kailangan sa pang araw-araw.
Ayon sa data ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang MSMEs ay isang kritikal na sector ng ating bansa dahil they account for 99.5% ng business enterprises, 62.4% ng total employment, at 35.7% ng gross value added. Maliban dito, sila rin ay nagsisilbing valuable partners at suppliers ng mga malalaking enterprise.
Kaya’t patuloy na sinusuportahan ng BDONB ang mga MSMEs upang mapanatili at mapalago ang kanilang operasyon sa gitna ng pandemya.
Ang dating OF na si Ernesto Abad, isang electrician na nagtrabaho sa Saudi Arabia, ay nagbahagi ng kanyang kwento kung paano nakatulong ang BDONB at ang Kabuhayan Loan sa kanyang pamilya at sa kanilang negosyo lalo na ngayong pandemya.
“Dahil sa sitwasyon ng lockdown, ang buwanang padala ng asawa ko na nasa abroad ay natigil, kaya’t napakaganda ng pag-alok sa akin ng BDO [Network Bank] upang maipagpatuloy ko ‘yung aking negosyo kahit sa panahon ng pandemic,” ani Abad.
Bilang isang trusted partner ng mga MSMEs sa business growth at sustainability, handog ng BDONB ang Kabuhayan Loan upang mabigyan ang mga MSMEs ng access sa additional capital at investment para sa kanilang stocks, sa pag-expand at pagpapalago ng kanilang negosyo.at sa pagbili ng mga business assets gaya ng delivery trucks at iba pang kailangang equipment.
Ang Kabuhayan Loan ay mayroong mabilis at simpleng application process para sa pagpapa-utang sa mga negosyante ng mula P30,000 hanggang P1,000,000 na hindi nangangailangan ng collateral. May installment options ito na 12 months hanggang 24 months, depende sa kakayahan ng isang borrower magbayad. Meron din itong kaakibat na Credit Life Insurance na nagsisilbing proteksyon ng pamilya laban sa financial burden.
Ang BDO Kabuhayan loan ay available sa lahat ng BDONB branches. Para ma-qualify sa loan, ang borrower ay dapat mayroon existing na negosyo for at least three years at nagge-generate ito ng weekly sales na di bababa sa P15,000. Magsubmit lamang ng isang valid ID, business permit, at proof of sales. Maaari ring mag-apply online via www.bdonetworkbank.com.ph.
Mula May 17 hanggang July 16, 2021, 30 lucky applicants ang mananalo ng Kabuhayan Package na tig-P10,000 worth of grocery goods o SM appliances. Para sa mga inquiries tungkol sa promo, mag-send lamang ng private message sa BDO Network Bank PH Facebook page o bisitahin ang www.bdonetworkbank.com.ph/kabuhayan-loan.
No comments:
Post a Comment