Mayroon talagang mga propesyon na maituturing na hindi lang basta hanapbuhay, kundi isang bokasyon lalo na kung halos araw-araw ay kakikitaan ito ng hindi matatawarang pagkalinga sa kapakanan ng iba.
Ilan sa ganitong trabaho ay ang pagiging nurse, doktor, kawani ng pamahalaan, at iba pa. Pero sa lahat nang nabanggit, iba rin talaga ang taas ng pagtingin ng lipunan sa mga guro.
Mula sa mga obrebo hanggang mga pangulo, mula siyentipiko hanggang bilyonaryo, walang makakapagsabi na may narating sila sa buhay nang walang tulong, maliit man o malaki, at malasakit mula sa kanilang mga guro.
Malaki ang utang na loob natin sa mga guro. Kaya naman talagang nakakagaan ng loob kapag nakakarinig tayo ng kwento ng mga titser na umaasenso dahil na rin sa determinasyon, lakas ng loob, pagsisikap, at pagiging wais.
Isang halimbawa dito si Veronica Delima, PhD. Isa syang guro na sa loob ng maraming taon ay lubos na namahagi ng kaalaman sa kanyang mga estudyante. Ang mga leksyon na itinuturo nya ay hindi lamang tungkol sa asignatura, kundi pati na rin mga aral sa buhay, tulad ng pagpupursigi, tiyaga, tiwala sa sarili, at tamang paggamit ng pera.
Si teacher Veronica at ang kanyang asawa ay hindi nanggaling sa mayamang pamilya. Ikinasal sila noong 1991 nang walang ipon o kapital para makapagpundar ng anumang ari-arian. Ang asawa ni Veronica ay nagtatrabaho noon bilang pedicab driver at wala man lang siyang sariling pedicab. Ang ginagamit pa niya sa pasada ay luma na at parating nasisira.
Si Veronica naman ay nagtuturo noon sa isang pribadong paaralan. Kahit pagsamahin ang kinikita nila, mistulang isang kahig-isang tuka ang kanilang pamumuhay. Madalas silang nagkakautang sa 5/6 kung saan sinisingil sila ng 20 porsyentong interes.
Araw-araw silang nagbabayad ng utang. Paunti-unti man ito, tila wala namang katapusan. Gayunpaman, patuloy nilang naitaguyod sa ganitong paraan ang isa’t-isa at ang kanilang apat na anak.
Sa pagnanais na magkaroon ng mas malaking kita, nag-apply si Veronica sa isang public school. Natanggap naman siya at salamat sa mas malaking sweldo, nakaipon si Veronica ng sapat na pera upang magpagawa ng maliit na bahay-kubo. Maliit man ang tahanan mas mabuti na rin dahil pag-aari na nila ito.
Ayon kay Veronica, nagsimula ang pag-angat ng kabuhayan nila nang matuto siyang mag-ipon ng pera at kumuha ng loans para gamitin sa mas matalinong paraan. Aniya, hindi masama mangutang basta ang loans ay gagamitin para sa mga mahalagang bagay tulad ng edukasyon at sa pagtatayo at pagpapalawak ng negosyo. Lahat nang yan ay babalik bilang dagdag-kabuhayan.
Naglakas-loob si Veronica na kumuha ng maliit na bank loan mula sa BDO Network Bank (kilala pa noon bilang One Network Bank). Ginamit niya ang pinakauna niyang loan para bumili ng bagong pedicab para sa kanyang mister.
“Yung bagong pedicab ay naging inspirasyon para sa mister ko para magsumikap sa kanyang trabaho. Iba ang dignidad na dulot ng pagkakaroon ng sariling pedicab, lalo pa't di na kailangang mag-boundary ng pampasada,” sabi ni Veronica.
Matapos mabayaran ang kanyang loan para sa unang pedicab, nag-reloan muli at bumili pa ng isa si Veronica para sa kanyang kapatid na lalaki. Unti-unti, natuto pa lalo si Veronica sa tamang paggamit ng loan. Dahil good borrower, naging maganda ang record niya sa bangko at mas madali nang maaprubahan ang mga susunod niyang loans. Nagpapasalamat rin si Veronica dahil maliit lang ang sinisingil na interes ng BDONB. “Mas mababa talaga ang interes ng BDONB loans kumpara sa ibang banko,” aniya.
Ginamit ni Veronica ang mga loans na ito para suportahan ang kanyang nanay at mga kapatid. Natulungan pa niya ang isang kapatid na mabawi ang naisanlang sakahan nito.
Sa mga sumunod na taon, unti-unti nakabili ng lupa at ari-arian si Veronica at naipasok sa kolehiyo ang tatlong anak. Ang bunsong anak niya ay kasalukuyang nasa Grade 8.
Siya mismo ay natulungan ng loans para matustusan ang pag-aaral niya sa graduate school hanggang sa makamit niya ang kanyang Ph.D. Salamat sa natamong doctorate degree, naging karapat-dapat si Veronica para sa promotion at mas mataas na sahod mula sa kaniyang public school.
Ang payo niya sa mga gurong tulad niya ay ang magpatuloy sa pagsisikap para makamit ang mas magandang buhay. Ani pa nito, dapat ay huwag mawalan ng pag-asa at laging kumilos para sa ikabubuti ng sarili at mga mahal sa buhay.
Giit niya hindi hadlang sa pag-abot ng mga pangarap ang kawalan ng kapital. Kailangan lang maging madiskarte sa pagkuha ng loan at sa paggamit nito. Halimbawa, gamitin ang loans para magtayo ng maliit na negosyo at para sa iba pang pagkakakitaan. Sa ganitong paraan, madadagdagan ang income na pumapasok kada buwan.
Para kay Veronica, ang BDONB ang naging ka-partner at kaagapay niya para magtagumpay sa buhay. “Dalawampung taon na akong natulungan ng BDONB (na nuon ay kilala bilang ONB). Dahil sa mga loan na nakuha, napabuti ko ang aking sarili, nakatulong sa aking pamilya at iba pang tao. Hindi man ako maituturing na mayaman, sumasaludo ako sa BDONB, dahil sa pagtulong nitong mapaunlad at mas maging maayos ang aming pamumuhay.”
Makikitang si Veronica ay huwaran sa ibang guro, ina, at asawa. Kahanga-hanga rin na ang mga nakamit niyang mga pagpapala ay ibinahagi pa niya sa pamilya, kamag-anak, at iba pang nangangailangan.
Tulong na hatid ng BDONB
Sa loob ng maraming taon, patuloy ang BDONB sa pagtulong sa mga gurong tulad ni Veronica para makamit ang mga mithiin sa buhay. Kaya naman espesyal at makahulugan ang National Teachers Month para sa bangko.
Isang inspirasyon si Veronica at hatid nya ang magandang aral para sa iba. Ipinakita niya na hindi masama magkaroon ng loan. May mga paghihiram ng pera na nakakatulong at mayroon ring nakakasama -- depende na lamang kung paano natin ginagamit ang mga ito.
Ang mga ‘bad debts’ ay yung ginagastos lang natin para sa mga bagay na walang return of investment o ROI. Halimbawa, kung ang inutang ay naubos lang sa bisyo, nagiging masama ang resulta.
“Ang mga loans na nakakatulong ay yung ginagamit natin para tustusan ang mga bagay na maaring pagkakitaan at magbalik sa atin ng dagdag na kabuhayan. Makikita natin sa kwento ng buhay ni Veronica na ang makabuluhang paggamit ng loans ang siyang tumulong sa kanya para magtagumpay sa buhay,” sabi ni J. Antonio Itchon, presidente ng BDONB.
Maaaring makipag-ugnayan at magtanong ang mga teachers tungkol sa BDONB sa bagong official BDONB Facebook Page nito sa https://www.facebook.com/BDONetworkBankPH/ para sila rin ay matulungang makamit ang mas magandang buhay.
About BDO Unibank, Inc.
BDO UNIBANK is a full-service universal bank which provides a wide range of corporate and retail banking services. These services include traditional loan and deposit products, as well as treasury, trust and investments, investment banking, private banking, rural banking, cash management, leasing and finance, remittance, insurance, retail cash cards, credit card services and stock brokerage services.
BDO has one of the largest distribution networks, with more than 1,400 operating branches and over 4,400 ATMs nationwide. It also has full-service branches in Hong Kong and Singapore as well as 13 overseas remittance and representative offices in Asia, Europe, North America and the Middle East.
BDO ranked as the largest bank in terms of total assets, loans, deposits and trust funds under management based on published statements of condition as of June 30, 2020. For more information, please visit www.bdo.com.ph.
No comments:
Post a Comment